-- Advertisements --

Patay ang 14 na pasahero ng pampasaherong eroplano mataos na ito ay bumagsak sa northern Mexico.

Binubuo ng 11 pasahero at 3 crew ang mga nasawi sa aksidente.

Mula sa Las Vegas patungong Monterrey ang eroplano ng bigla na lamang nawala ito sa radar ng paliparan.

Natagpuan na lamang ang mga parte ng eroplano sa may 129 miles northwest ng Monclava city sa border state ng Coahhuila.

Isang uri ng Challenger business jet gawa ng Bombardier ng Canada ang nasabing bumagsak na eroplano.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang sanhi ng nasabing pagbagsak ng eroplano.