-- Advertisements --
Nasa 14 katao ang patay sa naganap na pagsabog sa labas ng police station sa Kabul, Afghanistan.
Nagdulot ng makapal at maitim na usok ang nasabing malakas na pagsabog.
Nasugatan naman sa insidente ang may 150 katao na agad na dinala sa iba’t-ibang pagamutan.
Inako ng Taliban group ang nasabing pang-aatake.
Ayon sa interior ministry ng Afghanistan, gumamit ng car bomb ang nasabing mga suspek.
Pinasabog lamang ito matapos na harangin at pahintuin sa isang checkpoint.
Sinabi ni Sediq Sediqqi ang tagapagsalita ni President Ashraf Ghani na ang patuloy na pag-atake ng mga Taliban ay nagpapatunay na hindi sila interesado sa anumang usaping pangkapayapaan.