-- Advertisements --
Patay sa helicopter crash ang top military official sa India kasama ang 13 iba pa.
Kinilala ang biktima na si Chief of Defense Staff Gen. Bipin Rawat.
Naaksidente ang Indian Air Force (IAF) helicopter sa Tamil Nadu state habang patungo ito sa Wellington, Tamil Nadu.
Kasama rin sa namatay ang asawa ng opisyal na si Madhulika Rawat.
Naka-survive naman sa aksidente si Group Capt. Varun Singh na patuloy pa ngayong ginagamot sa Military Hospital sa Wellington.
Patuloy pa na iniimbestigahan ang dahilan sa nangyaring aksidente.