Hindi bababa sa 14 katao ang patay habang tatlo pa ang nawawala sa nangyaring landslide sa Sulawesi island sa Indonesia bunsod ng malakas na pagbuhos ng ulan.
Ayon kay local police Gunardi Mundu, gumuho ang putik sa apat na bahay noong Sabado ng hatinggabi. Isa sa mga bahay na naguhuan ng putik ay mayroong family gathering na isinasagawa.
Nagpadala ng mga sundalo, pulis, at ilang volunteers sa lugar para magtulungan sa pag-rescue. Nitong Linggo nga ay dalawang sugatan na indibidwal kabilang ang isang walong taong gulang na babae ang na-rescue at agad na dinala sa ospital.
Bago matapos ang Linggo ay 11 katawan na ang natagpuan sa Makale village at 3 katawan naman sa South Makale kabilang na ang tatlong taong gulang na babae, ayon sa ulat ni National Disaster Management Agency spokesperson Abdul Muhari.
Dagdag pa nito, nahihirapan ang mga awtoridad sa pag-rescue dahil sa kawalan ng linya ng komunikasyon at masamang panahon.