-- Advertisements --
Zelensky

Bumagsak ang isang helicopter na lulan ang leadership team ng interior ministry ng Ukraine malapit sa isang kindergarten at residential block sa Kyiv sa Ukraine na ikinasawi ng hindi bababa sa 14 katao.

Ayon kay Ukrainian President Volodymyr Zelensky, ang karagdagang 25 katao ay nasugatan kasunod ng insidente sa lungsod ng Brovary , kabilang ang 11 mga bata.

Labing-apat na bangkay ang natagpuan sa lugar ng pagbagsak, kabilang ang anim na opisyal ng ministeryo at tatlong tripulante, ayon sa State Emergency Service of Ukraine o SES.

Sa ngayon, ang opisyal na dahilan ng insidente ay hindi pa inihahayag at walang mungkahi mula sa sinumang opisyal ng Ukraine kung may kinalaman ang Russia sa naganap na insidente.