-- Advertisements --
INDIA
Rajasthan, India

Patay ang 14 na katao matapos ang pagbagsak ng isang tent sa Rajasthan, India.

Bumagsak ang nasabing tent dahil sa matinding pag-ulan kung saan ang iba ay nakuryente habang ang iba naman ay natabunan ng mga nahulog na debris.

Bukod sa mga nasawi ay mayroong 50 katao ang nasugatan sa insidente.

Mayroong mahigit 300 katao ang nagtipon-tipon sa tent para sa isang religious gathering ng mangyarin ang insidente.

Sinisi naman ng mga otoridad ang organizers ng event dahil hindi agad nila pinatay ang suplay ng kuryente ng mangyari ang insidente.