-- Advertisements --

Patay ang 14 na pasahero ng isang double-decker bus ng bumangga sa isang punong kahoy sa Thailand.

Dahil sa lakas ng pagkabangga ay nahati pa sa dalawa ang nasabing bus.

Nasa 32 iba pang pasahero ang sugatan sa aksidente na naganap sa Prachuap Khiri Khan.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang pinakasanhi ng aksidente.

Nakaligtas naman sa aksidente ang driver kung saan hinala ng mga otoridad na maaring kulang ito sa tulog kaya nangyari ang aksidente.