-- Advertisements --

Patay ang nasa 14 na katao matapos ang pagkahulog ng bus sa Nepal.

Ayon sa mga otoridad na mayroong kabuuang kargang 40 pasahero ang bus na galing sa Pokhara at patungo sana sa Kathmandu ng mahulog sa Marsyangdi river sa Tanahun district.

Gumamit na ng mga helicopters ang mga rescuers para agad na masagip ang mga biktima.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad ukol sa nasabing aksidente.