-- Advertisements --

Nasa 14 katao ang nasawi at marami ang lumikas sa pagsabog ng bulkang Semeru sa Indonesia.

Ayon sa Naitonal Board for Disaster Management (BNPB) sa Indonesia na nasugatan ang 56 katao kung saan 35 sa mga ito ay nasa malubhang kalagayan.

Ilang daang kabahayan din ang nasira kasama na ang 33 paaralan.

Nananatiling mapanganib aniya ang kalagayan sa lugar dahil sa patuloy ang aktibidad ng bulkan.

Patuloy din ang paglilikas ng mga otoridad sa mga residente ng lugar.