-- Advertisements --
Nasa 14 katao ang patay sa pagsabog ng coal mine sa south-west China.
Sinabi pa ng mga otoridad na mayroon pang 2 biktima ang naipit sa Guanglong mine sa Guizhou province.
Itinakbo naman sa pagamutan ang pitong katao matapos na sila ay mailabas ng ligtas sa minahan.
Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na may nangyaring aksisdente sa minahan dahil noong Oktubre ay mayroong 37 katao ang namatay sa limang magkakahiwalay na insidente.
Itinuturong dahilan ng aksidente sa minahan ay ang hindi striktong pagpatupad ng safety regulations.