-- Advertisements --

Nag-iwan ng 14 na katao ang patay sa pananalasa ng cyclone Amphan sa India at Bangladesh.

Maraming mga bahay ang nasira ng maglandfall ang bagyo na may dalang lakas ng hangin ng hanggang 185 km per hour.

Sinabi ni West Bengal Chief Minister Mamata Banerjee, nasira ang linya ng kanilang komunikasyon at maging suplay ng kuryente ay naputol.

Mahigit kalahating milyong residente rin ang inilikas dahil sa banta ng nasabing bagyo.