-- Advertisements --

Nasa 14 katao ang patay sa naging sagupaan ng India at Pakistan.

Kinabibilangan ito ng 10 sibilyan at apat na security personnel ang nasawi sa insidente na naganap sa cross-border ng dalawang bansa.

Ayon sa mga opisyal ng India, anim na sibilyan, tatlong sundalo at isang border guard ang napatay sa kanilang panig.

Habang sa Pakistani side naman ay apat na sibilyan ang napatay.

Kapwa kasi pinag-aagawan ng dalawang bansa ang Kashmir region.