-- Advertisements --

Nasa 14 katao ang napatay sa muling pagsiklab ng kaguluhan sa mga protesters at militar sa Myanmar.

Pinagbabaril ng mga security forces ang mga protesters na armado ng kahoy at kutsilyo sa Hlaing Tharyar ng Yangon City.

Idineklara ng military junta ang martial law sa Yangon matapos na atakihin ang mga negosyo ng Chinese.

Naniniwala kasi ang mga protesters na sinusuportahan ng mga Chinese ang miltary.

Maraming mga factory na pag-aari ng China ang sinunog at sinira ng gma protesters.

Ito na ang isa sa madugong patayan mula ng agawin ng military ang pamumuno ng gobyerno sa Myanmar.