-- Advertisements --
Mexico
Mexico Map

Patay ang 14 na kapulisan sa Mexico matapos na sila ay tambangan.

Naganap ang insidente sa Michoacan at ito ang itinuturing na pinakamadugong pang-aatake sa mga kapulisan mula noong maupo si President Andres Manuel Lopez Obrador noong Disyembre.

Hindi naman na idinetalye mga otoridad ang nasabing insidente.

Isa sa itinuturong nasa likod ng pananambang ay ang Jalisco New Generation Cartel (CJNG) na siyang may hawak sa lugar.

Noong 2015 ay tinambangan ng grupo ang 15 pulis na sanhi ng kamatayan ng mga ito.