-- Advertisements --

Kinumpirma ngayon ni Department of Agriculture Sec. William Dar na 14 sa 20 blood samples ng mga namatay na baboy ay nagpositibo sa African Swine Fever.

Ayon kay Dar, ang mga nasabing blood samples ay ipinadala sa United Kingdom upang isailalim sa pagsusuri.

Patuloy pa ring hinihintay ng ahensya ang iba pang resulta mula sa isa pang test upang malaman kung gaano kalala ang naturang virus.

Sa kabila nito, iginiit ng DA na napigilan na ang pagkalat ng naturang sakit batay sa kanilang pinaka-huling pagsusuri.

Una rito, nagkaroon ng mataas na bilang ng pagkamatay ng mga alagang baboy sa Rodriguez, Rizal.

Bago ang press conference nagsagawa muna ng boodle fight ang mga opisyal ng DA at DOH upang patunayan na ligtas ang pagkain ng karne ng baboy.

Pahayag ni Department of Agriculture Sec. William Dar