-- Advertisements --

Umakyat na sa 14 ang bilang ng mga sugatan habang isa ang patay mula sa aksidente ng isang pribadong sasakyan sa kahabaan ng North Luzon Expressway (NLEX), bahagi ng Valenzuela nitong umaga.

https://twitter.com/traffic_rt/status/1125618962715119616

Batay sa ulat, patungong Pampanga ang company service nang mawalan ng kontrol ang driver.

Pumutok daw kasi ang isang gulong ng sasakyan kaya ito sumalpok sa barrier at bumaligtad.

Pero ayon sa ilang pasahero, mabilis ang pagpapatakbo at nag-o-overtake sa ibang sasakyan kaya nawalan ng kontrol ang driver.

Sa ngayon wala pang salaysay ang inaakusahang driver.

Isinugod naman sa Valenzuela Medical Center ang mga pasaherong nagtamo ng injury.