Nakatakdang iharap ni Alice Guo ang 14 na testigo sa pagdinig ng korte sa kaniyang petition for bail.
Ito ay kaugnay ng kaniyang kasong qualified trafficking na nakabinbin sa Pasig Regional Trial Court Branch 167.
Itinakda naman ng naturang korte ang marathon hearing sa Oktobre-22 at Oct 23 para sa petisyon ni Guo na makapaghain ng piyansa para sa kaniyang pansamantalang kalayaan.
Ayon kay Atty. Nicole Jamilla, ang legal counsel ng tinanggal na alkalde, mayroong tatlumpong araw ang korte para pagdesisyunan kung papayagan ba si Guo na maghain ng piyansa.
Trabaho aniya ng prosekusyon na patunayan sa korte na ang pagkakasala ni Guo ay mabigat at hindi na siya dapat gawaran ng pansamantalang kalayaan.
Kasalukuyang nakapiit ang natanggal na alkalde sa Pasig City Jail.