-- Advertisements --
Timbangan
confiscated weighing scale

LA UNION – Umaabot sa 140 bogus na wiegthing scale o timbangan ang winasak ng pamahalaang lokal ng lungsod ng San Fernando, La Union.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay San Fernando City Treasuerer Edmar Luna, sinabi nito na ang mga naturang timbangan ay nakompiska mula sa mga iba’t ibang pamilihan sa lungsod.

Hindi calibrated at hindi rin rehistrado ang mga ito na maaaring makapangdaya ng timbang sa mga mamimili.

Ayon kay Luna, sinira nila ang mga timbangan upang hindi na mapakinabangan at magsisilbi din itong paalala sa mga negosyante na sumunod sa mga patakaran ng lungsod hinggil sa paghahanap buhay upang maiwasan ang penalty at abala.

Layunin din ng naturang hakbang ng pamahalaang lokal ng lungsod na mapangalagaan ang kapakanan ng mamimili laban sa mga mapagsamantalang negosyante.

Sa mga mahuhuling negosyante na napatunayang gumamit ng bogus na timbangan ay pinapawatan ng multa na aabot mula sa P1,000 hanggang P5,000 base sa nakalahad sa 2018 Revenue Code and City Ordinance No. 2010-010.