-- Advertisements --

Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang nasa 140 estudyante mula sa boarding school sa northwestern Nigeria.

Bukod sa pagdukot ay ninakaw pa ng mga armadong suspek ang mga kabahayan at maging ang alagang baka nito.

Sinabi ni Kaduna state police spokesman Mohammed Jalige na hindi pa nila alam kung saan dinala ng mga suspek ang mga dinukot nilang mga estudyante.

Nagsasagawa na ng paghahabol ang mga otoridad sa mga dumukot na suspek.