-- Advertisements --

Naitala ng Department of Health ang 1,409 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Habang mayroon namang naitalang 2,941 na gumaling at 46 na pumanaw.

Agad namang nilinaw ng DOH na ang mababang datos ngayon ay dahil sa tech,

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.1% (30,544) ang aktibong kaso, 97.3% (2,731,583) na ang gumaling, at 1.59% (44,567) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 7, 2021 habang mayroong 14 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 14 labs na ito ay humigit kumulang 1.6% sa lahat ng samples na naitest at 2.0% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

“9 duplicates were removed from the total case count. Of these, 8 are recoveries. Moreover, 46 cases that were previously tagged as recoveries were reclassified as deaths after final validation. All labs were operational on November 7, 2021 while 14 labs were not able to submit their data to the COVID-19 Document Repository System (CDRS). Based on data in the last 14 days, the 14 non-reporting labs contribute, on average, 1.6% of samples tested and 2.0% of positive individuals.”