-- Advertisements --

Walang nakaligtas sa 132 mga pasahero at siyam na crew members na lulan ng bumagsak na Boeing 737-800 ng China Eastern Airlines malapit sa lungsod ng Wuzhou sa Guangxi region.

Sa video na inilabas ng video clips ng state media ng China ay makikita ang nagkalat na maliliit na bahagi ng naturang eroplano sa kagubatan.

Ayon sa isang opisyal ng Civil Aviation Administration of China (CAAC) ay pinagsusumikapan umanong hanapin ng mga rescuers ang mga black boxers na naglalaman ng flight data at cockpit voice recorders sa naturang eroplano dahil mahalaga daw ito para sa kanilang imbestigasyon.

Ngunit dahil sa malubhang pinsala na tinamo nito ay nahihirapan ngayon ang investigation team na isagawa ang kanilang operasyon.

Sa ngayon ay nananatili pa rin na misteryo sa pamilya ng mga biktima at mga kinauukulan ang dahilan ng nasabing aksidente.