Nakapagtala ngayon ang Department of Health (DOH) ng panibagong 14,286 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa kabuuan ang mga dinapuan ng virus sa bansa mula noong nakaraang taon ay nasa 2,549,966 na.
Pero meron pa rin ngayon mga pasyente o aktibong kaso sa iba’t ibang dako ng bansa na umaabot sa 138,294.
Samantala ang mga bagong gumaling naman sa report ngayon ng DOH ay nasa 8,268.
Ang mga nakarekober sa bansa mula sa coronavirus ay umaabot na sa 2,373,378.
Meron na namang panibagong naitalang namatay na nasa 130.
Ang death toll sa bansa dahil sa deadly virus ay nasa 38,294 na.
Mayroong apat na laboratoryo ang bigong hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System ng DOH.
“Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 5.4% (138,294) ang aktibong kaso, 93.1% (2,373,378) na ang gumaling, at 1.50% (38,294) ang namatay,” ani DOH advisory. “Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong September 28, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 4 labs na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.”