-- Advertisements --

Aabot sa 143 na Filipinos ang napawalang sala sa United Arab Emirates.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) na ang mga nabigyan ng pardon ay yung may mga magagaan na kaso.

Dahil dito ay pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si UAE President Sheikh Mohammed bin Zayed Al Nahya.

Isinagawa ang pangulo ang pagpapasalamat sa gobyerno ng UAE noong nakausap niya ni si Al Nahya.

Isinabay ang pagpapatawad sa mga Filipino sa pagdiriwang ng Eidl Adha noong buwan ng Hunyo.

Lubos din pasasalamat ni Pangulong Marcos sa UAE dahil sa pagbibigay tulong nila sa mga nagdaang bagyo sa bansa.