-- Advertisements --

Binuksan na ang bagong isolation facility sa lungsod ng Muntinlupa.

Matatagpuan ang 144 bed isolation facility sa Barangay Tunasan.

May sariling restroom, air-con, kama, hygiene supplies ang isolation facility.

Ilalagay sa nasabing container vans ang mga pasyente, suspek at probable cases ng coronavirus kasama na ang mga medical frontliners.

Nakatakda namang buksan sa mga susunod na mga araw ang isa pang isolation facility na mayroon 200 bed capacities.

Umaabot na kasi sa halos 5,000 ang kaso ng COVID-19 sa lugar kung saan 148 na dito ang nasawi.