-- Advertisements --

LAOAG CITY – Hindi mailarawan ni Ms. Shanarelle Mae Marcos mula sa Mariano Marcos State University ang kanyang kasiyahan matapos siyang maging Rank 9 at nakakuha ng 90.80% sa katatapos na November 2024 Philippine Nurses Licensure Examination.

Hindi umano niya inaasahan na papasa siya sa board examination dahil sa hirap ng laman ng eksaminasyon.

Aniya, ang pinakamalaking hamon sa kanya sa panahon ng eksaminasyon ay ang financial problem lalo pa’t malayo ang Review Center kung saan siya nagre-review.

Malaking tagumpay daw ito para sa kanya dahil bata pa lamang ito ay pangarap na niyang maging nurse.

Dagdag pa niya, isa lang ang kanyang kapatid at abala ang kanyang mga magulang sa pag-aalaga ng baboy.

Sa kasalukuyan, sabi niya na wala pa siyang planong magtrabaho sa ibang bansa dahil gusto pa niyang magsilbi sa sariling bansa.

Mula sa 145 na kumuha ng eksaminasyon sa kanilang unibersidad, 144 ang pumasa habang isa ang bumagsak.

Samantala, bukod kay Marcos, nakuha rin ni Ms. Mhelanie Dhave Vidad ang Rank 8 na may 91.00% habang si Ms. Krizza May Dalire ay Rank 9 na may 90.80%.

Ang Mariano Marcos State University ay Rank 6 Performing School sa buong bansa na may 99.31% passing rate.