-- Advertisements --

LA UNION – Dumating naang 14,400 sinovac vaccine na alokasyon para sa Ilocos Region.

Ito ang kinumpirma sa Bombo Radyo La Union ng DOH-Center for Health Development 1.

Ang mga nasabing bakuna ay ipapamahagi sa walong referral hospitals sa Region One na kinabibilangan ng Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) dito sa syudad ng San Fernando.

Una nang kinumpirma ng mga lokal na opisyal na unang tuturukan ng Covid vaccine ang mga healthcare workers sa rehiyon uno.