Nananatiling stranded ang nasa 145 katao sa 11 pantalan sa bansa dahil sa epekto ng bagyong Nika.
Base sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong araw ng Martes, mayroon ding kabuuang 9 na rolling cargoes ang stranded habang 15 vessels at 20 motorbancas ang pansamantalang nakikisilong.
Sa naturang bilang, may 34 na pasahero, truck drivers at cargo helpers ang stranded sa Southern Tagalog habang may 6 ding rolling cargoes ang kinansela muna ang biyahe sa dagat.
Naitala ang mg stranded na indibidwal at cargoes sa Real Port, Calapan Port, Muelle Port, Valadero Bay, Romblon Port, San Agustin Port, Balanacan Port, Tingloy Port at Wawa Port.
Sa Bicol region naman, 111 pasahero, truck drivers at cargo helpers ang stranded habang 3 rolling cargoes ang nagsuspendi muna ng biyahe sa may Calaguas island at Pasacao port.