-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Nakarating na ng Maynila ang 145 na mga locally stranded individuals mula sa Siargao Islands sakay ng C130 plane matapos itong lumapag sa Villamor Airbase.
Ito ay matapos magpadala ng isang eroplano ang Presidential Communications Operations Office (PCOO) at ang Armed Forces of the Philippines (AFP) upang matulungan ang nasabing mga indibidwal na na-stranded sa Siargao kasunod ng hagupit ng bagyong Odette.
Inilikas sila dahil sa kawalan pa rin ng linya ng kuryente at tele-komunikasyon nang sa gayo’y maka-reach out sila sa kanilang mga ka-anak na ilang araw na nag-aala sa kanila.