-- Advertisements --

ILOILO CITY – Magpupulong sa susunod na linggo ang 145 na mga alkalde na kasapi ng League of Cities of the Philippines (LCP) upang pag-usapan ang direct procurement ng COVID-19 vaccines.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas na dating presidente at chairman ng LCP, sinabi nito na mismong si Bacolod City Mayor Evelio Leonardia ang mangunguna sa pagpupulong sa komitiba na binubuo ng mga alkalde mula sa iba’t-ibang lungsod sa Pilipinas.

Ayon kay Treñas, mismong si Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana, na siyang chairman ng National Task Force Against COVID-19, ang nagbigay ng pahintulot sa bawat lungsod na direktang kumuha ng bakuna.

Napag-alaman na ang Florete Group of Companies na pangunguna ng chairman na si Dr. Rogelio Florete ang unang tumugon sa panawagan ni Mayor Treñas na magbigay ng libreng COVID-19 vaccine sa mga empleyado ng kumpaniya upang gumaan ang pasanin ng lungsod ngayong pandemya.
Top