-- Advertisements --

CEBU – Aabot sa 146,000 na mga beneficiaries ang posibling matatanggal sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) buong Central Visayas.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo News Team kay Shalaine Marie Lucero, ang DSWD 7 Regional Director, nabatid na ang bilang na ito ay inactive, non-compliant, wala nang mga anak na may edad 0-18 taong gulang, na kasama rin sa ‘poor household’ .

Aniya, inatasan na nito ang mga local government units sa mga lungsod at bayan na magsagawa ng assessment sa kanilang constituent 4Ps beneficiaries.

Samantala, ipinunto ni Lucero na kapag na-clear na ang listahan ng 4Ps, magkakaroon ng mga bagong benepisyaryo ngunit dadaan pa rin ito sa masusing pagsusuri matapos punan ang household assessment form.

Ayon sa kanya, hindi rin sapat na ilagay lang doon ang sinumang mag-a-apply ng 4Ps, sa halip ay ang mga talagang makakapasa sa tinatawag na ‘poor households’ .

Binigyang-diin ng opisyal na walang ‘padreno system’ sa napaulat na programa at tanging ang mga talagang kwalipikado akma rito ang isasama.