-- Advertisements --
Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) na tumangging ma-repatriate ang nasa 146 na Pilipino sa Sudan sa gitna ng nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng Sudanese military at paramilitary forces.
Bunsod nito, ipinag-utos ni Egypt Ambassador Ezzedin Tago na tawagan at kumbinsihin ang mga nagpiwang Pilipino na umuwi na ng bansa ayon kay DMW Undersecretary for Foreign Employment and Welfare Service Hans Leo Cacdac.
Bagamat nagparehistro ang mga ito, pinili aniya ng mga Pilipino na manatili sa Sudan.
Sa kasalukuyan,nananatili parin sa Alert Level 3 ang alerto sa Sudan.
Ayon sa DMW, nasa kabuuang 74 Pilipino na ang na-repatriate sa bansa.