Patuloy pa ring nakapagtatala ng mas mababa sa 2,000 ang Department of Health (DOH) ng mga bagong kaso ng COVID-19 matapos na iulat ngayon ang 1,485 na karagdagang nahawa sa virus.
Mayroon namang naitalang 1,393 na mga bagong gumaling.
Gayunman mataas naman ang bilang ng mga nadagdag na nasawi na umaabot sa 277.
Ang death toll ngayon sa bansa ay nasa kabuuang 46,698 na.
Sa kasalukuyan nasa 23,200 pa ang mga aktibong kaso sa buong bansa.
Mula noong nakaraang taon nasa 97.5% na o katumbas ng 2,753,312 ang mga gumaling na pasyente.
Mula ito sa kabuuang 2,823,210 na tinamaan ng virus sa Pilipinas.
“Lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 17, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 1 lab na ito ay humigit kumulang 0.6% sa lahat ng samples na naitest at 0.3% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” bahagi pa ng DOH advisory.