-- Advertisements --

Nagtala ngayong araw ang Department of Health (DOH) ng 14,895 na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa nasabing bilang ay mayroong 8,248 ang gumaling at 258 na ang pumanaw.

Sa kabuuang ilang ay mayroong 111,720 ang aktibong kaso at 1,648,402 ang gumaling at 30,881 ang namatay.

Mayroong 59,828 ang nai-test sa 23.8 porsyento na nagpositibo at halos 97.2 % ang mild at asymptomatic.

Mayroong dalawang laboratoryo naman ang hindi nakapag-sumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).