Nilinaw ng lokal na pamahalaan ng Balayan, Batangas na hindi sila magpapatupad ng lockdown.
Sa kabila ito ng na-detect na kaso ng mpox sa kanilang bayan, matapos ang ilang pagsusuri.
Ayon kay Balayan Mayor Emmanuel Fronda II, hindi dapat maapektuhan ang buong operasyon ng kanilang lugar.
Ang mahalaga aniya ay natukoy agad ang pasyenteng may mpox at ang mga taong nagkaroon ng closed contact dito.
Nabatid na ang kaso ng naturang virus sa Balayan ay pang-14 na recorded case sa bansa at isa umanong 12-anyos na batang lalaki.
Hindi na tinukoy ang pagkakakilanlan ng biktima upang hindi maging biktima ng bullying o harassment ang bata at ang kanilang pamilya.
Tiwala naman si Mayor Fronda na ginagawa ng local health officials ang kanilang tungkulin para maiwasan ang pagkalat ng sakit sa iba pang mga residente.