-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pang pinaghahanap ng mga tauhan ng Butuan City Police Station-2 ang responsable sa pagbaril-patay sa isang bading pasado alas-12:30 kaninang madaling araw sa T.Calo St. corner Montilla Boulevard sa Brgy Limaha nitong lungsod.

Ang 15-anyos na biktimang residente sa Brgy. Maon ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kanyang balakang at daling dinala sa pribadong ospital ngunit namatay din.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, nagkasagutan umano ang biktima at ang di pa kilalang suspetsado hanggang sa binaril na ito sabay takas sa di malamang direksyon.