-- Advertisements --

BUTUAN CITY- Dead on arrival na pagkatapos idineklarang patay sa attending physician sa Butuan Medical Center ang isang 15 taong gulang na lalaki mula sa Purok 4 Lower Barangay Banza nitong lungsod matapos itong malunod sa ilog kagabi.

Kinilala ang biktima na si Ivan Pahayag Paayas, lalaki, at residente ng nasangpit barangay.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon na alas-5 ng hapon kahapon nakita ang biktima kasama ang kanyang pinsan na nagtungo sa ilog upang maligo ngunit makalipas ang ilang minuto, nalunod na ang biktima.

Agad ding nag-ulat ang pinsan nito sa tiyuhin na ilang metro lamang ang layo mula sa ilog kung saan sila naligo.Sinubukan pang buhayin ang e-revive ang biktima ngunit hindi na nila ito nasagip.