GENERAL SANTOS CITY – Naging mitsa sa pagkamatay ng isang 15-anyos na binata ang pagkalulong umano nito sa larong “Mobile Legends”.
Kinilala ang biktimang si Ashton Kyle Alferez na residente ng Purok 5, Barangay Katangawan, lungsod ng GenSan.
Sinabi sa Bombo Radyo GenSan ng ama ng biktima na si Joy Alferez, naging libangan na anak ang paglalaro ng Mobile Legends mula nang ipatupad noon ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa lungsod dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Aniya, panay ang pagpupuyat ng anak dahil sa paglalaro kaya’t kulang sa tulog at minsa’y nakakaligtaan pa ang kumain sa tamang oras.
Isinugod ang anak sa pagamutan ng nakaraang linggo at leukemia ang sakit nito batay sa lumabas na findings ng doktor matapos ang ginawang pagsusuri.
Inihayag ng ama na lumala ang sakit ang anak hanggang sa binawian ng buhay kahapon.
Isinisi nito sa paglalaro ng naturang game application ang pagkamatay ng anak.
Dagdag nito, simula bata ay hindi umano na-admit ng ospital ang anak dahil sa pagkakasakit dahil ito’y malusog.