ROXAS CITY – Patay ang 15-anyos na binatilyo matapos nalunod sa Barangay Esperanza, Jamindan, Capiz.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Jamindan Municipal Police Station na nagkayayaan na maligo sa Agluway River ang biktima na si alyas Junjun na residente ng Barangay Pangabuan ng naturang bayan kasama ang apat nitong mga kaibigan na pawang mga menor de edad.
Nabatid na nadulas ang biktima dahil sa malakas na daloy ng tubig sa naturang ilog.
Sinubukan pang sagipin ang biktima ng kanyang mga kaibigan ngunit dahil sa malakas na agos ng tubig ay tinangay ito sa malalim na porsyon ng ilog.
Dahil dito, hindi na nakaahon ang naturang biktima kung saan umabot pa sa dalawang oras bago nakuha ang katawan nito sa ilalim ng tubig.
Dinala pa sa ospital si alyas Junjun ngunit idineklara na itong dead on arrival.