BUTUAN CITY – Isang 15-anyos na binatilyo ang patay habang dalawang mga CAFGU members naman ang sugatan sa 30-minutong engkwentro sa pagitan ng mga tauhan ng 23rd Infantry ‘Diamond’ Division, Philippine Army at ng kanilang mga tauhan matapos na una nilang tinambangan ang dalawang motorsiklong sinakyan ng mga biktima sa Brgy. Lower Olave, Buenavista, Agusan del Norte.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, kinilala ng isang Ka Omar Ibarra, tagapagsalita ng New People’s Army kon NPA-Agusan del Norte at Agusan del Sur, ang namatay na si alyas Longlong na anak umano ng isa sa dalawang mga CAFGU members na sugatan na nakilalang sina alyas Mandahinog at Romeo habang walangy casualty sa kanilang panig.
Posible umanong kasa-kasama na ng kanyang ama ang namatay sakaling may gagawin silang operasyon dahil nakuha mula sa posisyon ng biktima ang isang M16 armalite rifle at mga bala.
Nilinaw din ni Ka Omar Ibarra na lehitimong operasyon ang kanilang inilunsad sa Lower Olave laban sa militar.