ZAMBOANGA CITY – Natagpuang patay ang 15-anyos na dalagita matapos itong mag-suicide kagabi sa mismo nilang bahay sa Barangay Tetuan, Zamboanga City.
Sa nakalap na impormasyon ng Star FM Zamboanga, nagbigti umano ang dalagita dahil sa problema nito sa kanyang nobyo.
Base naman sa imbestigasyon ng mga otoridad, sinabi raw ng half brother ng biktimang bago pa man nangyari ang insidente ay nagkaroon na ng hindi pagkakaunawaan ang biktima sa ka relasyon.
Dahil sa sobrang pagkabalisa ng biktima sa nangyari, kinitil niya ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbigti.
Naisugod pa ng mga pamilya at otoridad ang biktima sa ospital subalit idineklara na itong dead on arrival.
Ito na ang ikaapat na kaso ng suicide sa Zamboanga sa kalagitnaan ng community quarantine.