-- Advertisements --

VIGAN CITY – Ihahatid na sa kanyang huling hantungan ang 15-anyos na dalagitang binaril patay at minolestiya ng dalawang pulis na suspect sa pangyayari na sina PSSgt Marawi Torda at Randy Ramos.

Bukas ng umaga ang nakatakdang libing ng dalagita pagkatapos ang ilang araw mula ng mabaril patay noong July 2 sa Brgy. Daclapan habang papauwi galing sa Cabugao Municipal Police Station upang asikasuhin ang kaso laban sa mga nasabing pulis.

Hanggang ngayon hindi parin makapaniwala si Blessie Torres ina ng biktima sa kanyang kalunos-lunos na sinapit sa kamay ng mga suspect.

Sa ngayon patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ukol sa kaso ng dalagita at naiakyat na sa Department of Justice ang kasong rape kontra sa dalawang pulis na suspect.

Nauna nang nagpaabot ng tulong pinansyal si Ilocos Sur Governor Ryan Singson sa pamilya ni Torres at ipinangako nito ang agarang pagkamit nila ng hustisiya sa pagkamatay ng dalagita.