CEBU CITY – Natagpuang patay at hubo’t hubad ang isang Grade 10 na babaeng estudyante bandang alas-3:00 ng hapon nitong nakalipas na araw sa Purok Magenta, Barangay Gairan sa Bogo City.
Ayon sa Bogo City Police Station, ang biktima ay isang 15-anyos na babae at residente ng Barangay Gairan.
Batay sa kanilang inisyal na imbestigasyon, isang residente, na nagngangalang Glenda, ang na nagpapastol ng kanyang kambing sa isang madamong lugar noong Linggo ng hapon, Nobyembre 13, at natagpuan ang patay na biktima na wala nang damit.
Agad na humingi nang tulong si Glenda matapos makita ang bangkay ng dalaga.
Nang suriin ang katawan ng biktima, nalaman ng pulisya na nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.
Gayunpaman, hindi pa nila masabi sa ngayon kung biktima ng panggagahasa ang biktima o hindi, dahil kailangan pa nilang i-autopsy ang bangkay ng dalaga.