-- Advertisements --

Tatlong estudyante ang patay habang walo ang sugatan kabilang ang isang guro sa nangyaring pamamaril sa loob ng paaralan sa Michigan.

Isang 15-anyos na lalaki ang itinuturong suspek sa krimen kung saan gumamit ito ng semi-automatic handgun.

Namatay sa krimen ang 16-anyos na lalaki, 14-anyos na babae ay 17-anyos na babae.

Nananatiling blangko pa ang pulisya sa pagtukoy sa motibo ng krimen.

Sumuko naman sa mga pulis ang suspek na isang second-year male student, limang minuto matapos tawagan ang pulis.

Dalawa sa mga nasugatan ay sumasailalim sa operasyon, habang ang anim na iba pa ay nasa stable na kondisyon na may mga tama ng bala ng baril.

Sa news conference, sinabi ng mga opisyal na ang suspek ay tumangging magsalita at “hindi nakikipagtulungan”.

Sinabihan umano ito ng kanyang mga magulang na huwag makipag-usap sa pulisya.