-- Advertisements --
Itinanghal bilang pinakabatang Womens’ Tennis Association (WTA) winner si Coco Gauff matapos na magwagi sa Linz Open Finals.
Tinalo kasi ng 15-anyos na mula Florida si dating French Open champion Jelena Ostapenko sa score na 6-3, 1-6, 6-2.
Sinuwerte lamang si Gauff dahil bagsak na ito sa qualifiers subalit nabunot ang kaniyang pangalan muli ng isa sa mga manlalaro ang nag-withdraw.
Pangalawa na si Gauff sa pinakabatang tennis player na nakakuha ng titulo na ang una ay si Nicole Vaidisova ng Czech Republic sa edad rin na 15 noong 2004.
Sumikat si Gauff noong Wimbledon ng talunin si Venus Williams sa ikaapat na round.