-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Nagpositibo sa African swine fever (ASF) ang 15 mula sa 60baboy na dinala sa bayan ng Mapandan, Pangasinan mula sa Bulacan.

Dahil dito, sinabi ni Provincial Legal Officer Atty. Geraldine Baniqued na ipinag-utos na ni Pangasinan Gov. Amado “Pogi” Espino IIl na gawing ground zero ang Barangay Baloling, Mapandan.

Ayon kay Baniqued, kailangang patayin ang mga alagang baboy sa naturang lugar bilang bahagi ng protocol na ipinatutupad ng Department of Agriculture para tuluyang ma-control ang pagkalat ng ASF virus sa nasabing bayan.