-- Advertisements --
Mayroon ng 15 bagong kaso ng coronavirus sa Iran.
Ayon kay Iranian Health Minister Saeed Namaki, umabot na sa kabuuang 43 ang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa at walo rito ang patay.
Ang mga nadapuan ng virus ay galing sa China kaya sinuspendi nila ang flights sa dalawang bansa.
Pinayuhan din nito ang mga tao na umiwas na magtungo sa Qom City o ilang mga Shi’ites cities sa Iran dahil doon nanggaling daw ang virus.
Una nang nabahala ang WHO sa bilis nang paglobo ng mga kaso ng COVID sa Iran.