CENTRAL MINDANAO-Sinaksihan ni Midsayap Cotabato Mayor Rolly Sacdalan ang turnover sa 15 units ng Galil Assault rifles kasama si Midsayap Chief of Police Lieutenant Colonel Rolly Oranza.
Ang mga armas ay galing sa liderato ng PNP na ipamamahagi sa mga pulis sa bayan ng Midsayap na kanilang mamagamit sa pagpapalakas ng kanilang pwersa kontra sa ibat-ibang kremin.
Nagpapasalamat naman si Mayor Sacdalan kay PRO-12 Regional Director Bregadier General Jimili Macaraeg at kay Cotabato Police Provincial Director Colonel Harold Ramos sa napakalaking suporta sa modernisasyon ng mga kagamitan ng kapulisan.
Sinabi ni Sacdalan na ang LGU-Midsayap ay patuloy na sumusuporta sa pulisya sa pinapalakas nitong kampanya para sa kapayapaan at ligtas na komunidad para sa lahat ng Midsayapenyo.
Dagdag ni Col Oranza na malaking tulong sa kanilang hanay ang mga bagong armas at nagpasalamat rin ito kay PNP Chief Director General Rodolfo Azurin Jr,PRO-12 RD Macaraeg,CPPO Provincial Director Col Ramos at sa suporta ng LGU-Midsayap.