-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Binayo ng malakas na hangin at ulan ang probinsya ng Cotabato.

Ayon kay Matalam Municipal Councilor Ralp Ryan Rafael na umaabot sa labing limang bahay ang sinira ng buhawi o malakas na hangin sa hangganan ng Barangay Poblacion at Brgy Manubuan Matalam Cotabato.

Bago hinagupit ng buhawi ang dalawang Barangay ay umulan muna ng malakas at sinundan ng animoy bagyong hangin.

Swerte namang walang nasaktan sa mga residente na agad nakapagtago.

Nagliparan umano ang mga yero at kahoy sa mga bahay na winasak ng buhawi.

Maliban sa mga sinirang bahay ay binayo rin ng buhawi ang mga pananim ng mga magsasaka.

Nakatakdang namang mamahagi ng tulong ang grupo ni Councilor Rafael sa mga pamilya na sinalanta ng buhawi.