-- Advertisements --

Narekober ng Palestinian Civil Defense at ng United Nations (UN) ang bangkay ng 15 na emergency at aid workers sa timog na bahagi ng Gaza Strip nitong Lunes.

Sa isang social media post, ibinahagi ni UN Aid Chief Tom Fletcher na natagpuan ang mga bangkay malapit sa mga sira-sirang mga sasakyan.

Aniya, ang 15 na indibidwal ay walang habas na pinatay ng Israeli forces habang walang takot na nagliligtas ng mga buhay at biktima ng giyera sa naturang bansa.

Humihingi ngayon ang UN ng hustisya at pananagutan mula sa kampo ng Israeli military.

Samantala, hindi naman sumagot at nagbigay ng kanilang pahayag patungkol sa pagkamatay ng mga aid workers ang mga military forces ng Israel.

Sa ngayon ay natukoy na ang mga pagkakailanlan ng mga biktima at nabigyan na ng maayos na libing habang bunsod nito ay umakyat na sa kabuuang bilang na 408 ang mga nasawi sa Israel-Hamas war.