-- Advertisements --
Carreon1 1

Nasa 15 miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at dalawang sundalo ang nasawi sa ikinasang operasyon ng militar nuong July 29,2020 sa may bahagi ng Datu Salibo, Maguindanao.


Ayon kay Philippine Army 6th Infantry Division Commanding General MGen. Diosdado Carreon, nagsasagawa ng ng security operation ang mga tropa ng 57th Infantry Battalion ng makasagupa ng mga ito ang hindi mabilang na miyembro ng BIFF at Dawlah Islamiya-Terror Group (DITG) sa may Brgy Penditen bayan ng Datu Salibo.

6th3

Umigting ang sagupaan bandang alas-5:20 ng umaga at natapos bandang alas-11:30 ng umaga.

Sinabi ni Carreon, 13 sundalo ang nasugatan sa nasabing sagupaan na agad namang dinala at ginamot sa Camp Siongco Station Hospital.

Iniulat din ng militar na walong miyembro ng BIFF at DITG ang sugatan kabilang si Hassan Indal ang leader ng teroristang grupo

Nagpa-abot naman ng pakikiramay si Carreon sa mga kamag-anak ng dalawang nasawing sundalo.

Samantala, pinarangalan naman ni Carreon ng Wounded Personnel Medals (WPMs) ang mga matatapang na sundalo ng 57th Infantry Battalion na sugatan sa labanan.

Ang mga sundalong ginawaran ng parangal ay ang mga sumusunod:

6th2

PFC Abel G Yabo PA of Charlie Company 57th IB, PFC Loney V Sevillo, PFC Khier Hyler D Mosquera, PFC Reymark C Somodio, PFC Jay-ar B Embangan, PFC Ardel Jhon L Cajara, PFC Angel Rey T Migue, PFC Van Rhuzzin F Nohi, PFC Ronnie A Bucana at Pvt John Rey D Amistas.